Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pag-inom ng isang herbal tea na sinasabing nakatutulong sa pagpapapayat dahil hindi ito rehistrado sa kanilang tanggapan at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Batay sa Advisory 2016-126-A, sinabi ng FDA na hindi rehistrado sa kanilang tanggapan ang Senna Kancura herbal tea (laxative) na gawa ng Tai Ping Trading Co., Ltd- Hongkong. Inaangkat ito ng Diamond Laboratories Inc., at idini-distribute naman ng Rej Diamond Pharmaceuticals Inc., kapwa matatagpuan sa Quezon City.
Ayon sa FDA, ang product registration ng Senna, na DR-XY15660, ay napaso noon pang Agosto 17, 2014.
(Mary Ann Santiago)