Umaasa ang Philippine national football squad Azkals na magagawa nilang malampasan ang pangamba at hamon sa pagsagupa sa pinakamalalakas sa rehiyon sa Asean Football Federation Suzuki Cup simula Sabado sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.

Ito ang buong kumpiyansang sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) secretary general Ed Gastanes sa pagdalo nito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

“The team is on its peak, we are so happy that the team able to win its last game against Kyrgystan, which is how the coach wanted going into the tournament,” sabi ni Gastanes patungkol sa kampanya ng Azkals sa 2016 AFF Suzuki Cup na gaganapin simula Nobyembre 19 hanggang Disyembre 17.

Ang koponan ay nasa pangangasiwa ni coach Thomas Dooley.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It’s up to coach Dooley with regards to the final lineup. But judging our last friendly, our team has solidly improved and is nearing its peak in time for the proper tournament,” sambit ni Gastanes.

Unang makakasagupa ng host na Azkals ang Singapore sa Sabado na gaganapin sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan para sa pagsisimula ng Group stage.

Kasama ng Pinoy booters na bitbit ang home-field advantage ang defending champion Thailand at Indonesia.

“We need two wins to top the group stage and maybe able to advance in placing second, in that way we can try to hope for more, try to reach the finals this time or even go all the way to the title,” aniya. (Angie Oredo)