YANGON (AFP) – Nababahala si dating UN chief Kofi Annan sa karahasan sa Rakhine state ng Myanmar kung saan marami na ang napatay ng militar nitong weekend, at daan-daang residente ng Rohingya ang lumikas patungong Bangladesh.
Isinara ng militar ang isang lugar sa hangganan na karamihan ng naninirahan ay mga Muslim minority, simula nang madugong pag-atake sa police posts noong nakaraang buwan.
Umabot na sa halos 70 katao ang napaslang ng militar habang tinutugis ang mga umatake, na ayon sa kanila ay mga militanteng Rohingya na may kaugnayan sa Islamists sa ibayong dagat.
‘’I wish to express my deep concern over the recent violence in northern Rakhine State, which is plunging the state into renewed instability and creating new displacement,’’ sabi ni Anna sa isang pahayag nitong Martes.