151116_marijuana_04_qc_jun-aranas-jpeg-copy

Aabot sa 10 kilo ng pinatuyong marijuana, tinatayang nagkakahalaga ng P100,000, ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Florida bus terminal sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report na natanggap ni Police Supt. Wilson Delos Reyes, hepe ng Anonas Police Station 9, dakong 12:30 ng madaling araw nadiskubre ang isang bagahe na naglalaman ng bultu–bultong marijuana na may isang taon na umanong nakaimbak sa baggage center ng Florida bus terminal sa EDSA, Kamuning, Quezon City.

Ayon kay PO3 Rey Bumatay, desk officer ng QCPD-PS9, nadiskubre ng dispatcher na si Cristopher Rodriguez at guwardiyang si Julie Quaichon ang brown box sa naturang bus terminal kung saan natuklasan nakasilid ang 10 kilong pinatuyong marijuana.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Agad ipinagbigay-alam ni Rodriguez sa Anonas Police Station ang natuklasang bagahe na nakapangalan sa isang Ermilinda Torres ng Cubao, Quezon City.

Ito ay dinala na sa District Anti–Illegal Drugs ng QCPD sa Camp Karingal.

Kaugnay nito, inaalam na ng awtoridad ang plaka ng Florida Bus na may rutang Tuguegarao–Cubao, pati na ang supplier ng marijuana. (Jun Fabon)