Hindi dapat pinag-uusapan ang suspension ng “writ of habeas corpus” dahil nakakabit ito sa mga pagdurusa, at pasakit na naranasan ng bansa sa panahon ng diktadura.

Pinaalalahanan ni Senator Sonny Angara si Pangulong Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng pamahalaan na isipin ang sakit na nararamdaman ng mga naulila dahil sa batas militar na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

“The safeguards of the 1987 Constitution on the suspension of the writ of habeas corpus are there because of officials abuse/misuse decades ago. Hopefully, it is just an idea because it can be abused,” sabi ni Angara.

Nauna rito, nagpahayag si Pangulong Duterte na iniisip niyang suspendihin ang writ of habeas corpus dahil sa talamak na problema sa droga. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?