Sa darating na Linggo itutuloy ng Shakey’s V-League at Spikers’ Turf ang tradisyon bilang tagapagsimula ng kinagigiliwan ngayong volleyball league sa pagdaraos nila ng All-Star Game.

Nakatakdang magdaos ang organizer ng liga na Sports Vision sa pakikiisa ng kanilang official television coveror ABS CBN Sports in Action ng All-Star Game sa Philsports Arena sa Pasig City.

“We believe that the timing is perfect for such an endeavor,”pahayag ni Sports Vision President Richard Palou tungkol sa event na magsisilbing pagtatapos ng Shakey’s V-League 13th season at Spikers’ Turf second season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is not only to showcase our best but to also give back to the fans and the victims of Typhoon Lawin.”

“The coaches for each team were determined by their respective performances,” sambit ni tournament director Tonyboy Liao,

Para sa Spikers’ Turf ,, ang unang koponan ay gagabayan nina National University coach Dante Alinsunurin, Champion’ Supra coach Norman Miguel, at Philippine Air Force coach Rovil Verayo. habang ang makakatunggali nilang koponan ay gagabayan naman nina Ateneo coach Oliver Almadro, IEM mentor Jun Balobar, at Cignal cosch Macky Cariño.

Sa V-League, magsisilbi namang coaches ng unang team sina Philippine Air Force coach Jasper Jimenez, Bureau of Customs mentor Sherwin Meneses, at Laoag coach Nestor Pamiliar habang mapapailalim naman ang kanilang katunggaling koponan kina coach John Abella ng Pocari Sweat, University of Santo Tomas cosch Kungfu Reyes, al coach Jerry Yee ng University of the Philippines.

Pangungunahan nina National University middle blocker Jaja Santiago at setter Jasmine Nabor kasama si reigning Open Conference MVP Gretchel Soltones ang mga manlalarong sasabak para sa V League at sina NU assistant coach Edjet Mabbayad at Johnvic de Guzman naman sa Spikers Turf.

Ganap na 1:30 ng hapon magsisimula ang programa sa pamamagitan ng autograph signing at photo opportunity para sa nga fans at pamilya.

Magsisimula ang laro sa Spikers Turf ganap na 3:00 ng hapon at 5:15 naman ng hapon sa Shakey’s V League.

Nagkakahalaga ang mga tiket pafa sa ringside at court side ng P300 at P200 naman sa lower box habang libre ang mga manunood sa general admission section.

“The games will be televised by our partner, ABS-CBN, although on a delayed basis,” ayon naman kay Sports Vision General Manager Ramon Martelino. “The proceeds after costs will be donated to the victims of Typhoon Lawin through ABS-CBN Foundation. Hopefully, through volleyball we can generate awareness about the plight and the suffering of our countrymen and for our players, coaches, partners, and fans to be socially aware.”

Ang All-Star Games ay magkakatulong na itinataguyod ng Shakey’s, Mikasa, Accel, BaliPure, Pocari Sweat, Philippine Sports Commission, at ABS-CBN Sports and Action. (Marivic Awitan)