UNITED NATIONS, United States (AFP) – Nagbalik na ang unang grupo ng 127 UN peacekeepers noong Lunes sa kampo sa Syrian-held side ng Golan Heights, dalawang taon matapos umurng sa gitna ng labanan ng mga rebeldeng Syrian na kaalyado ng Al-Qaeda.

Sinabi ni UN spokesman Farhan Haq na mas maraming tropa mula sa UN Disengagement Observer Force (UNDOF) ang magbabalik sa camp Faouar ngayong linggo at kapwa suportado ng mga gobyerno ng Israel at Syria ang hakbang.

‘’The total number of troops that deployed to Camp Faouar this morning is 127 and more are expected to join in a week,’’ sabi ni Haq.

Sinusubaybayan ng UNDOF ang 1974 ceasefire sa pagitan ng Israel at Syria sa Golan Heights.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina