KAPURI-PURING anak si Helga Krapf sa kanyang amang Aleman na si Henry. Kung may halimbawa man ng power ng love to heal, ito na siguro ‘yun.
Sinulat namin last November 5 ang panawagan ng tulong ng Star Magic talent para kanyang sa ama na may sakit, dahil said na ang financial resources nila at hindi niya alam kung paano maipagpapatuloy ang pagpapagamot sa ama.
May sakit at nasa hospital pa rin ang ama ni Helga, pero ang maganda ay marami ang may mabubuting puso na tumugon sa kanyang panawagan, may mga nagbigay ng financial help at prayers para sa kanyang ama.
“Thank you so much to all those who have offered help, donated, shared and most of all prayed for us. Thank you for sharing your blessings with us, and thank you for giving me hope and strength in these times. You have no idea how much you’ve touching my life right now,” message ni Helga sa mga nag-abot ng tulong at patuloy na tumutulong sa kanila.
Nakakaiyak ang picture na hawak ng mahigpit ng kanyang ama ang kamay ni Helga at nilagyan niya ng caption na, “I’d be more than happy to switch places with you right now, Dad. If only I could take it all away. Forgive me if I can’t give up on you. Please hold on a little more.”
Ibinalita ni Helga na nagda-dialysis ang ama at noong isang araw, dinala ito sa operating room.
“Papa is going into the OR anytime, he’s high risk but they have to do the procedure to lessen the infection in his blood. We’ve been getting a lot of prayers and I can see how they are working on him because he’s finally more responsive and aware of his surroundings. I’d like to ask for more prayers now that he’s going in for surgery. Lord please guide all of his doctors and give my Papa strength to get through this without any complication before, during and after the surgery.”
Ang sumunod na post ni Helga, nag-dialysis uli ang kanyang ama at naka-schedule for another surgery. Prone to bleeding din daw ito, kaya may blood transfusion at patuloy siyang humihingi ng prayers para bigyan ng lakas ang ama na maging successful ang operation at walang complications.