Matutuloy na ang pagbili ng 27,000 assault rifle ng Philippine National Police (PNP) sa United States (US), matapos malinawan si Pangulong Rodrigo Duterte at biglang pumabor dito.

Ito ang tiniyak ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), kung saan ang pagpayag ng Pangulo ay nakuha niya sa kanilang trip sa Malaysia kamakailan.

“We reported to him that the processing of the documents is going on smoothly according to the Sig Sauer (supplier), they saw no one is blocking it,” ayon kay Dela Rosa. “So when I explained that to him (Duterte), he said ‘Okay, you continue’.”

Una nang sinabi ni US Senator Ben Cardin na haharangan niya ang pagbebenta ng baril sa PNP dahil sa human rights issues sa patuloy na anti-illegal drugs campaign ng Pangulo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hanggang sa kasalukuyan ay wala namang humaharang sa deal, at naniniwala ang Pangulo na posibleng hindi lang nakontrol ang statement ng US senator.

Umaabot sa P1.7 bilyon ang halaga ng 27,349 assault rifle na binibili ng PNP sa US. (Aaron Recuenco)