Inihayag ni Senate Minority Leader Ralph Recto na dapat hindi na patawan ng buwis ng Bureau of Customs (BoC) ang mga balikbayan box na may halagang P150,000 pababa kahit wala pa ang implementing rules and regulations (IRR) nito.

Aniya, saklaw na ito ng bagong batas para sa overseas Filipino workers (OFWs) alinsunod na rin sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“Hindi kasalanan ng OFWs natin kung natagalan ang pagbuo ng implementing rules for the CMTA. Matagal nang pasado ang batas na iyan at dapat lamang na makinabang na ang OFWs natin diyan,” ani Recto.

Aniya, sa susunod na buwan pa ipapalabas ng BoC ang IRR pero maraming OFWs na ang nagpadala nitong buwan pa ng Setyembre.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Pasado ng Kongreso, pirmado ng Presidente. Mukhang nadale ng red tape sa agency level. Kung ganito ang sitwasyon, baka pwedeng ipakiusap natin na kahit ‘yung sections lang sa balikbayan boxes, ipatupad na kaagad,” ani Recto.

Aniya, kahit ano pang tarpaulin ang ilagay tulad ng ‘Pamaskong Handog ni Pangulong Digong’, kung hindi ipatutupad ang bagong batas sa balikbayan boxes ngayong Pasko, wala ring epekto. (Leonel M. Abasola)