Pinagtibay ng House Committee on Health ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng “free basic medicine assistance program” ang mga dukha, matatanda, kababaihan, bata at may kapansanan.

Isinusulong ng panukala na ipinalit sa House Bill Nos. 104, 233, 504, 1505 at 1968 na inakda nina Reps. Angelina “Helen” D. L. Tan, M.D. (4th District, Quezon), Rodante D. Marcoleta (Partylist, Sagip), Victor A. Yap (2nd District, Tarlac), Gary C. Alejano (Party-list, Magdalo) at Estrellita B. Suansing (1st District, Nueva Ecija), ang pagtamo ng maayos na kalusugan para sa lahat ng Pilipino. (Bert de Guzman)

Pelikula

Alden, Kathryn emosyunal sa world premiere ng 'Hello, Love, Again'