CITY OF ILAGAN, Isabela - Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Isabela dakong 7:47 ng umaga kahapon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay sa bayan ng Cabatuan, at pinaniniwalaang tectonic ang pinagmulan, na naramdaman din sa Cauayan City, San Mateo, Jones at Echague.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa Lamut sa Ifugao at Maddela sa Quirino. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol