SINGAPORE – Walang inuurungan ang Pinoy na kampeon.

Isang araw matapos makopo ang ONE FC featherweight title sa impresibong second round stoppage kontra Shinya Aoki, ipinahayag ni Pinoy Eduard Folayang ang kahandaan na harapin ang dating kampeon na si Marat Gafurov.

Ngunit, kailangan niyang maghintay dahil tataas ng timbang si Gafurov sa lightweight para makuha ang pagkakataon na harapin muna si Aoki.

“It’s not as interesting as Shinya,” sambit ni Gafurov, grappling specialist tulad ni Aoki. “I was interested in Shinya because I admire his grappling and I want to check it myself.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit niya na mas kumpiyansa siyang labanan si Aoki kesya kay Folayang.

“Because he (Aoki) is a good grappler. I admire his style and I wanted to show that I’m better at grappling.”

Sinabi naman ni Folayang na hindi niya masisisi si Gafurov sa pagtangging harapin niya nito dahil na rin sa nadaramang takot sa kasalukuyan.

“Siguro, gusto niya si Shinya doon sa fact na legend siya. Even them, they are not expecting me to win,” sambit ni Folayang. “Puwede naman sila maglaban.”

Sa kabila nito, sinabi ni Folayang na handa iya anumng oras at panahon para labanan si Gafurov.

“Maganda rin kung ganun ‘yung pupuntahan niya. Super fight. Para sa akin, ready naman ako basta ang importante, ‘yung training. Si Shinya nga na legend, na-kaya natin basta pinaghahandaan,” pahayag ni Folayang.