ethel-copy

PINAGPIPISTAHAN pa rin ng lahat, lalo na sa social media, ang malalaking current events. May kanya-kanyang reaksiyon ang netizens hinggil sa pagpayag ng Supreme Court na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Pero ang talagang pumukaw ng sobrang atensiyon ay ang posts ni Ethel Booba hinggil dito. Ang isa sa latest tweets ni Ethel, “Ang nakakaloka d’yan, eh, baka sa susunod na administrasyon 2022, ang pagbobotohan naman ay ang paghukay sa Libingan ng mga Bayani, charot!”

May hirit din si Ethel tungkol sa paggunita ng EDSA People Power Revolution.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ibig ba sabihin nito ay mababawasan na tayo ng isang Special Non-Working Holiday? Charot!”

May komento rin si Ethel tungkol sa paghahangad ng lahat ng kapayapaan.

“Sa palengke. Tindera: ‘Ano pong hanap nila?’ Ako: ‘World Peace.’ Charot!”

Patok na patok din ang tweets ni Ethel Booba tungkol naman sa pagkakapanalo ni Donald Trump bilang susunod na pangulo ng America.

Sampol: “Sa pagkatalo ni Hillary Clinton sa US presidential elections: ‘Mga Ka-DDS (Donald Diehard Supporter) baka may plan B si Hillary Clinton.’ Charot!”

‘Kaloka talaga ang isang Ethel Booba, huh! (JIMI ESCALA)