the-rock-copy

NAGSIMULA sa professional wrestling career bilang “The Rock” at nagkaroon ng leading roles sa Hollywood, pinag-iisipan naman ngayon ni Dwayne Johnson ang pagpasok sa pulitika, kabilang ang posibilidad na tumakbo sa White House pagdating ng araw.

Inihayag sa Reuters ni Johnson, 44-anyos, bida sa nalalapit na Disney animated film na Moana bilang boses ng demigod na si Maui, na binuhay ng kanyang excitement sa naganap na presidential election nitong nakaraang linggo ang kanyang interes sa pulitika.

“I love my country, I’m extremely patriotic and I also feel, especially now, leadership is so important, great leadership is so important, respected leadership is so important,” saad ni Johnson, na isa sa mga bida ng The Fast and the Furious franchise.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nang tanungin sa posibilidad ng pagtakbo sa White House, ang sagot ni Johnson: “If I felt like I could be an effective leader for us, and surround myself with really high-quality leaders, then sure, I would.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabanggit ang pangalan ni Johnson sa pulitika.

Noong unang bahagi ng taon, pinasalamatan niya sa Instagram ang journalist ng Washington Post na nagsabi na siya ay may “weirdly plausible path to a political career.”

Bagamat hindi pa inilalahad kung anong posisyon ang kanyang nais puwestuhan, o kung kelan siya tatakbo at kung anong partido ang sasalihan niya, inihayag ng aktor na umaasa siya na magamit sa pulitika ang mga disiplina na natutuhan niya bilang producer sa Hollywood.

“I’ve found really good success in being able to galvanize people in a positive way and continued to push them, as I’ve pushed myself along the way too, because I walk what I talk, daily, which I think is an important quality,” aniya.

Kung papasok si Johnson sa pulitika, susundan niya ang yapak ng mga pro wrestler na si Jesse ‘The Body’ Ventura, na naglingkod bilang governor ng Minnesota, at ang body builder na naging aktor na si Arnold Schwarzenegger, na dalawang termino namang naglingkod bilang Republican governor ng California.

Kilala sa linyang: “Can you smell what The Rock is cooking,” sumasali pa rin si Johnson paminsan-minsan sa World Wrestling Entertainment, pati na rin sa pagpoprodyus at pagbibida sa sports dramedy ng HBO na Ballers at ang papalapit na pelikulang Baywatch. (Reuters)