LONDON (AP) — Naisalba ni Novak Djokovic ang matikas na hamon ng karibal para muling makalapit sa No.1 ranking.

Tinalo ng second-ranked Serbian si Dominic Thiem, 6-7 (10), 6-0, 6-2 sa O2 Arena. Nagwagi si Djokovic ng siyam sa 10 laro.

“Yeah, a thrilling tiebreaker,” sambit ni Djokovic.

“I had, I think, only one set point. He just played a good point. I was in the rally, but he just was going for his shots.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakuha ni Thiem ang unang tatlong set para makalamang sa 6-3, ngunit magkakasunod na turnover ang nagawa niya dahilan para makabawi si Djokovic.

“Even though I lost the first set, I thought I didn’t do too many things wrong,” sambit ni Djokovic.

“It was just the very high quality of his game that prevailed in the first set.”

Sa isa pang laro, nagwagi si fourth-seeded Milos Raonic ng Canada kontra sixth-seeded Gael Monfils ng France 6-3, 6-4.