Abot kamay na lamang ng Ateneo Blue Eagles ang inaasam na ikalawang twice-to-beat incentive sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

Mula sa huling talong nalasap sa kamay ng University of the Philippines,nagtala ang Blue Eagles ng limang sunod na panalo na siyang nagluklok sa kanila sa ikalawang puwesto.

Isa sa mga susi sa naging pag- angat nila ang sentrong si Isaac Go.

Nagtala ang 6-foot-7 big man ng 14 puntos at 7 rebounds kontra Far Eastern University kung saan pito sa kanyang kabuuang output ang isinalansan nya sa final stretch upang pigilin ang paghabol ng Tamaraws.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasunod nito, nagtala ang 20- anyos na si Go ng 15-puntos para pamunuan ang Ateneo sa 74-64 na paggaoi sa season host University of Santo Tomas..

Bunga ng kanyang ipinamalas na performance, sya anh nahirang na ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week noong Nobyembre 7-13.

Siya rin ang ikalawang sunod na Ateneo player na nabigyan ng nasabing citation kasunod ni Aaron Black.

Tinalo niya para sa award sina Adamson forward Jonathan Espeleta, La Salle skipper Jeron Teng at guard Kib Montalbo, at University of the East playmaker Philip Manalang .

Para kay Go, ibinabalik lamang niya ang tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng kanyang mga coaches at teammates.

“It’s the confidence that my coaches and my teammates give me that is important. When they put me in, they tell me that I can do something. They know that I’ll make the right play,” ani Go.

“It’s a huge confidence booster for my part and it gives me motivation to go out there,”dagdag nito.

Hindi naman nasorpresa si Ateneo coach Tab Baldwin sa mga numerong nagawa ni Go.

“Our team is full of good players. They’ve developed through the course of the season,”anang American-Kiwi mentor said. “They’ve developed confidence in one another and we try to take what the defense gives us. That explains why different players are probably featured in different games.” (Marivic Awitan)