YANGON (Reuters) – Umabot na sa 30 miyembro ng Rohingya Muslim militant group ang napaslang ng mga militar ng Myanmar, iniulat ng state media kahapon Lunes.

Sinira ng mga pamamaslang nitong weekend sa Rakhine ang anumang pag-asa para sa mabilis na resolusyon sa labanan at pagpapanumbalik ng magandang relasyon, ayon sa observers at diplomats.

Lumusob ang mga sundalo sa Maungdaw, malapit sa hangganan ng Myanmar sa Bangladesh, sa hilaga ng Rakhine. Rumesponde sila sa coordinated attacks sa tatlong border posts noong Oktubre 9 kung saan siyam na pulis ang nasawi.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina