NAGKAKILALA na nang personal sina Karylle at Gabbi Garcia, ang naunang gumanap at pangalawang mga Sang’gre Alena sa Encantadia. Matagal nang wish ni Direk Mark Reyes, ang director ng original noong 2005 at sa napapanood ngayong Encantadia, na mapagsama-sama ang mga gumanap na mga unang Sang’gre at ang mga Sang’gre ngayon. Alam niyang hindi na mangyayari iyon dahil sina Iza Calzado as Amihan at Karylle ay nasa ABS-CBN na. Pero hindi naman tumitigil ang friendship dahil lamang sa network war.

Kaya natupad naman ito nitong nakaraang buwan nang magsidating ang beautiful actresses sa dinner date na inihanda ni Direk Mark, pero maysakit ang original na Pirena na si Sunshine Dizon kaya si Glaiza de Castro lang ang nandoon. May out of town commitment naman nang gabing iyon si Gabbi, kaya si Karylle lang ang dumating. Naroon din ang mga Dayana na sina Diana Zubiri at Sanya Lopez at ang mga Amihan na sina Iza at Kylie Padilla.

“Pero precious moment po sa akin nang finally, na-meet ko na rin si Ms. Karylle,” sabi Gabbi. “Hindi po namin in-expect na magkikita kami.”

Ito ang post ni Gabbi sa kanyang Instagram nang magkita sila: “Met ‘Alena’ @anakarylle at today’s Happy Skin event.

Ninong Ry, nakahabol sa pag-file ng 'COC'

Can’t contain my happiness!!! She’s too sweet!”

“Isa na po itong magandang gift sa nalalapit kong birthday. Natuwa po ako nang paglapit ko sa kanya para magpakilala ako, kilala na pala niya ako. Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa kanya nang makapagpa-picture na ako sa kanya.”

Sa panananood na istorya ng Encantadia sa ngayon ay babalik na sa dating anyo mula sa pagiging malaking palaka si Alena, sa tulong ng kanyang kambal diwa ng tubig na si Agua (Janine Gutierrez). Pero ano ang mangyayari kay Alena, na sa halip na ibalik siya sa mga kapatid niyang sina Amihan at Danaya, dinala siya sa Lireo na pinamamahalaan na ngayon ng masasamang sina Hagorn (John Arcilla) at LilaSari (Diana Zubiri). Sino ang tutulong kay Alena

Napapanood gabi-gabi ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras. (NORA CALDERON)