PUERTO PRINCESA – Nadagdagan ang nahakot na medalya ng Philippine Dragonboat Team sa napagwagihang dalawang ginto at isang pilak sa pagtatapos ng 2016 Asian Club Crew at Palawan Dragonboat Open kahapon sa bagong gawang Baywalk.

Idinagdang ng mga miyembro ng Philippine Canok-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) ang 20-seater Standard Men at Small Boat Men sa 200 meters upang makapagwagi ng kabuuang limang ginto sa torneo na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang sa Puerto Princesa Festival.

Itinala ng Pilipinas ang oras na 46.935 segundo sa Standard Boatmen upang talunin ang Chinese Taipei na halos isang buong bangka ang layo sa oras nito na 49.692 segundo habang pinakamabilis din ang Pinoy sa Small Boat sa tyempong 46.808 segundo para talunin ang Japan (48.681), Indonesia (48.903) at Taipei (50.518).

Nagkasya naman ang PH Team sa pilak sa junior mixed team sa oras na 51.54 segundo kontra sa Taipei na may 50.65 segundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nabali naman ang paddle ni Ojay Fuentes matapos nitong mapagdiskitahan paluin nang tumapos lamang na ikalima ang Pilipinas sa small boat men 10-seater na siyang pinakamababang puwesto ng koponan. Nagwagi sa naturang event ang Indonesia (46.31), Japan (50.34), Taipei (50.79), Hong Kong (51.46) at Pilipinas (51.59).

“Medyo kinakabahan ang ating mga national paddlers noong una dahil malalakas ang kalaban nila pero medyo na-challenged sila na hindi sila dapat mapahiya lalo na nasa sarili nila silang bayan kaya laban talaga sa lahat ng mga events na kasali sila,” sabi ni PCKDF president Jonne Go.

“Kinausap ko din si Ojay dahil nabali ang paddle niya at nag-sorry naman siya dahil nahampas niya kasi ang gusto lang daw niya ay manalo ang team at lumaban sila ng husto dahil nakakahiya na kulelat sila,” aniya.

Una nang nagwagi ng tatlong gintong medalya at dalawang pilak ang Dragonboat squad sa pagwawagi sa 20 seater men’s 500 at junior mixed 500m Biyernes ng umaga para matagumpay nitong maipagtanggol ang kanilang mga medalya na kanilang napanalunan dalawang taon na ang nakalipas sa Thailand.

Nagdagdag din ng pilak sa 10-seater men at ang bagong buo na koponan sa 10-seater women sa 500m.

Hindi naman nagpaiwan ang bagong buo lamang na Philippine women’s team na nasa una pa lamang nitong pagsali sa internasyonal na torneo matapos na dominahin ang small boat womens para sa ikatlong medalya ng Pilipinas.

“We never expected them to win the gold dahil malakas talaga ang Thailand. Wala pa iyan halos two months nabuo at ngayon lang talaga nagkasama-sama dahil madalas sila sa mixed team kaya nagulat kami noong naungusan nila sa first heat tapos hinabol ang Thailand sa last 50 meters ng second heat para manalo,” sabi PCKDF national head coach Lenlen Escollante. (Angie Oredo)