robert-redford-copy

NAGPAPLANO na si Robert Redford na magretiro sa pag-arte para makapag-concentrate sa pagdidirihe at sa kanyang unang pag-ibig na sining.

Sinabi ng 80-anyos na bida ng Out of Africa at The Sting sa kanyang apo na si Dylan sa isang online interview na napapagod na siya sa pag-arte.

“I’m an impatient person, so it’s hard for me to sit around and do take after take after take,” saad ni Redford sa panayam na inilathala noong Huwebes para sa Walker Art Center sa Minneapolis. “Going back to sketching — that’s sort of where my head is right now.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi pa naman lilisanin ang big screen ni Redford, na wala pang napapanalunan na Oscar sa kanyang 50-taong acting career.

Inihayag niya na may dalawang proyekto pa siya. Isa ang love story para sa matatanda kasama si Jane Fonda, ang kanyang co-star sa romantic comedy noong 1967 na Barefoot in the Park, at isa pang pelikula kasama sina Casey Affleck at Sissy Spacek. Ayon sa movie website na IMDB.com, nakatakdang ipalabas sa 2017 ang dalawang pelikula.

“Once they’re done then I’m going to say, ‘Okay, that’s goodbye to all that,’ and then just focus on directing,” aniya.

Nagbalik-tanaw si Redford na ang kanyang first love ay art at naglalaan siya ng oras sa Europe noong kabataan niya upang tuklasin ang “story-telling through painting.”

Naging isa sa mga pinamalaking artista si Redford sa pamamagitan ng mga pelikula tulad ng All The President’s Men, Butch Cassidy and the Sundance Kid, at The Way We Were noong 1970s at 1980s. Naging direktor siya, na nanalo ng Oscar para sa kanyang pelikula noong 1980 na Ordinary People.

Noong 1978, tumulong si Redford para itatag ang Sundance Film Festival sa Utah bilang suporta sa independent movie, at naging pinaka-influential na independent film gathering ito sa buong mundo. (Reuters)