BAHAGYANG naikuwento ni Direk Erik Matti ang gist ng istorya ng OTJ mini-series na handog ng HOOQ, Globe Studios at Reality Entertainment na magsisimula na sa Disyembre.

Aniya, ibang-iba na ang kuwento ng OTJ The Series sa pelikula na pinagbidahan nina Piolo Pascual, Joel Torre at Gerald Anderson.

Kung sa pelikula ay ang mga nangyayari sa kulungan at problema sa droga ang ipinakita, tututukan naman sa mini-series ang mundo ng media at buhay ng mga pulitiko sa bansa.

Si Bela Padilla ang magkukuwento ng mga nangyayari bilang journalist at sina Dominic Ochoa at Arjo Atayde naman ang gaganap na mga pulitiko na sandamakmak ang itinatagong mga lihim.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“It’s about time that we expand the themes that we started in the original On The Job movie. Creating a mini series exclusively for a video on demand service like HOOQ will allow us to explore unique stories para sa ating mga kababayan na gustong makapanood ng kakaibang kuwento na hindi pa nila napapanood sa TV,” say ni Direk Erik.

“HOOQ Originals enhance our best-in-market content offering by adding exclusive local movies and TV series that are made for SVOD, and we are very excited to partner with both Reality Films as well as Globe to produce the first HOOQ original here in the Philippines,” pahayag ni Krishman Rajagopalan, co-founder at CCO ng HOOQ.

”We are very excited to finally start production of this new venture as its strengthens our commitment to provide best content for our customers whether they are at home or on mobile,” paliwanag naman ni Globe Senior Advisor for Customer Business Dan Horan. “And we believe that Erik Matti’s OTJ is the perfect choice given the success of its movie counterpart.”

Nakita namin si Direk Quark Henares sa launching ng OTJ kaya tinanong namin kung ano ang position niya sa Globe.

“Head ako ng Globe Studios, madame,” kaswal niyang sabi sa amin.

Paano nila malalaman kung gusto ng millenials o ng mahihilig manood online kung click ang OTJ mini-series?

“Depende sa hits, you don’t subscribe to the show, you subscribe to HOOQ. Sana mas marami ang mag-subscribe sa HOOQ dahil sa OTJ,” sagot ni Direk Quark.

Naka-dub ito sa Tagalog at may subtitle ng wika sa bawat bansang paglalabasan nito, lalo na sa Asya tulad ng Thailand, India at Indonesia. Para sa karagdagang detalye, maaring mag-log on sa www.HOOQ.tv. (Reggee Bonoan)