ai-ai-copy

KITANG-KITA ang napakasayang aura ni Martina Aileen ‘Ai Ai’ delas Alas habang kausap ng entertainment press bago ginanap ang Thanksgiving Mass and Solemn Investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice Award o “Cross of Honor” sa kanya sa Good Shepherd Cathedral sa Fairview, Quezon City nitong nakaraang Biyernes, na isinabay na ang celebration ng kanyang 52nd birthday.

First time naming nakasaksi ng ganitong pagdiriwang at humanga kami sa preparation at magandang ayos ng simbahan.

“Ganito pala iyon, na sabi sa akin ng mga kaibigan kong pari, para akong ikakasal muli,” nakangiting wika ni Ai Ai.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Masayang-masaya ako lalo na at kasama ko ang buo kong pamilya at mga kaibigang nagmamahal sa akin.”

Naisip na ba niya kung bakit siya ang pinagkalooban ng ganito kalaking parangal mula kay Pope Francis?

“Simula pa nang matanggap ko ang balitang ito, hanggang ngayon, iniisip ko pa rin, bakit ako? Pero naniniwala ako na may plano pa sa akin ang Diyos kaya niya ibinigay sa akin ito. Alam naman ninyong lahat kung ano ang nangyari sa buhay ko at alam ni Lord ang mga pinagdaanan ko. Kaya kung anuman ang plano niya sa akin, buong puso kong tatanggapin, kung may misyong gusto niyang ipagawa sa akin, gagawin ko.”

Si Ai Ai ang unang artistang pinagkalooban ng ganitong parangal, nauna sa kanyang tumanggap ng award si Maestro Ryan Cayabyab para naman sa music. Kaya may message din si Ai Ai sa mga kapatid niyang Katoliko sa show business.

“Ngayon po ay Year of Mercy. Lahat tayo may kahinaan, lahat tayo may pinagdadaanan sa buhay. Pero ang Diyos, ang ating Simbahan is a forgiving Church. Kaya lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon ng Panginoon ng pagpapapatawad at bagong buhay.”

Wala nang mahihiling pa si Ai Ai sa kanyang birthday kundi good health para maipagpatuloy niya ang lahat ng mga tungkuling iaatang sa kanya, at saka world peace dahil hindi lang dito sa atin medyo magulo kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo, tulad sa Amerika.

Touching na makita si Ai Ai habang naglalakad kasama ng mga pari at mga obispo, para sa isang concelebrated Mass na pinangunahan ni Most Reverend Antonio Tobias DD, Bishop ng Diocese of Novaliches at ng mga kaibigang sina Fr. Erick Santos at Fr. Allan Samonte, at mga seminarista ng diocese. Very solemn ang celebration na nagwakas sa pagbasa ni Fr. Erick ng papal document: “Francis Supreme Pontiff has seen fit to Decree and bestow upon MARTINA AILEEN HERNANDEZ DELAS ALAS the decoration of the Sacred Cross FOR THE CHURCH AND POPE especially established for those performing outstanding service. At the same time authorizing her to wear this decoration. Given in the Vatican, on August 18, 2016. Signed and sealed: PAOLO BORGIA, Assessor.”

Kasunod nito ang panunumpa ni Ai Ai sa mga kautusan sa kanya ng Simbahan.

Sinamahan si Ai Ai ng ilang malalapit na kaibigan sa showbiz sa pagdiriwang. Nilapitan niya si Ms. Sharon Cuneta na hindi raw siya pinabayaan kahit kailan tuwing kailangan niya, si Alden Richards na parang nanay na ang turing sa kanya (kasali sila sa Offertory), si Nova Villa, mga kasama sa Sunday Pinasaya na sina Jose Manalo at Wally Bayola, John Lapus, Erik Santos, Arnell Ignacio at ang good friends niyang sina Bro. Adrian Panganiban at Bro. Bo Sanchez.

Pinasalamatan ni Ai Ai si Ms. Kris Aquino na pinadalhan daw niya ng invitation pero hindi lamang nakapunta dahil sa stint nito sa Davao. But in turn, nagpadala si Kris ng donation para sa simbahan na tinutulungan niyang maipatayo , ang Kristong Hari Church sa Novaliches

Sa January 2017, pupunta si Ai Ai sa Vatican for an audience with Pope Francis. (NORA CALDERON)