MANGUNGUNA sa biyahe ngayong buwan ng Nobyembre ang natatanging documentaries ng ABS-CBN News and Current Affairs sa Jeepney TV kabilang na ang pinag-usapang pagbabalik ng mga kuwento ng katatakutan ni Noli de Castro sa Kabayan Special Report: Kababalaghan.

Muling panoorin si Kabayan ngayong Linggo sa re-run ng inabangang dokumentaryo na nagdala ng takot at kilabot noong Halloween.

Bukod sa kuwento ng kababalaghan, mapapanood din ngayong buwan ang Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee simula November 14. Espesyal na tugtugan naman ang hatid ng Para sa Bayan:

Ryan Ryan Musikahan ngayong November 26.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Hindi rin magpapahuli ang mga aksiyon sa Biyaheng Retro: Action Heroes na nagtatampok sa lahat ang Pinoy action icons gaya nina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, Coco Martin, at iba pang magagaling na action stars na ipapalabas sa November 20.

Dapat ding abangan sa Jeepney TV ang ilan sa mga dokumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs, kasama ang award-winning documentary na Mukha, ang kuwento ng pagsisikap at pag-asa ng isang sand diver mula Davao na ipapalabas sa November 20. Sa November 27, samahan si Atom Araullo sa kanyang paglalakbay mula Malabon hanggang Norway upang talakayin ang lumulubhang issue ng global warming sa Best TV Special ng 38th Catholic Mass Media Awards na Warmer.

Balikan ang masasayang tagpo ng mga pinakapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV).