Isinusulong na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa multi-milyong coco levy fund sa mga magniniyog, sa pamamagitan ng programang magpapalago sa kanilang hanay.
Nais ng Pangulo na magkaroon ng komite na mangangasiwa rito. Ang komite ay kabibilangan umano ng mga kinatawan mula sa Executive branch, Kongreso at pribadong sektor.
“It should be returned to the people. The law is actually clear,” ayon kay Duterte sa Davao City nitong Biyernes.
Sinabi ni Duterte na maging pamilya niya ay isa sa mga nagbayad ng buwis o coco levy noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
“Pati kami, nag-contribute diyan sa levy na yan, ‘yung pamilya namin. My mother’s coconut, not ours,” ani Duterte.
Gayunpaman, sinabi ng Pangulo na malabong mamahagi ng cash mula sa coco levy dahil ang mga apektadong magniniyog ay hindi na matukoy. (Genalyn D. Kabiling)