SA halos 500 local at international stories na itinampok ng Born To Be Wild, nananatili itong ground-breaking nature at wildlife program sa bansa hanggang ngayon.

Ngayong Linggo, bilang bahagi ng month-long ninth anniversary celebration ng show, tutuklasin nina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ang dalawang bansang mayaman sa biodiversity.

Mapupuntahan na ni Doc Nielsen ang isa sa mga lugar na nasa bucket list niya: ang Galapagos Islands sa Ecuador na itinuturing na wildlife mecca ng mga veterinarian at scientists. Makakaharap ni Doc Nielsen ang isang marine iguana na dahil sa itsura ay puwedeng tawaging “Godzilla” of Galapagos.

Samantala, sa Bali, Indonesia naman nagtungo si Doc Ferds. Hindi basta-basta makakakita ng mga dambuhalang page o manta rays pero dito sa Bali, maaari pa silang makunan sa ilalim ng dagat. May mga batas pangkalikasan ang Bali na ang layon ay maprotektahan ang mga ito dahil isa rin ito sa mga pinagkakakaitaan ng bansa. Gayunpaman, nanganganib pa rin ang giant manta ray sa mga plastic at kalat na naiipon sa ilalim ng dagat.

Tsika at Intriga

'Basta masarap!' BakClash winner, nakachorvahan isang host ng Eat Bulaga

Samahan sina Doc Ferds at Doc Nielsen sa 9th anniversary series ng Born To Be Wild simula ngayong Linggo, pagkatapos ng Aha sa GMA-7.