“Katarungan sa mga biktima ng ilegal na droga! Drug den ang bahay ko! Tulak pa ako at salot ng lipunan!”

Ito ang mga katagang nakasulat sa karton na ipinatong ng ‘di pa nakikilang suspek sa ibabaw ng bangkay ng isang ginang na itinapon sa bakanteng lote sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Napahagulgol si Jhoanna Marie Arboleda, 22, ng Block 1, Lot 15, Phase 1-B, Barangay North Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod, nang makilala ang ina na si Evangeline Torrevillas, 47, na binaril sa ulo at itinapon sa kahabaan ng Road 10, Bgy. NBBS, dakong 3:30 ng madaling araw.

Ayon kay Jhoanna, hindi umuwi ng gabing iyon ang kanyang nanay at halos hindi makapaniwala nang malamang patay na ang ina.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pinabulaanan ni Jhoanna na drug pusher ang ina at sinabing sinadya lang na ilagay ang karton upang mapabilang sa mga unsolved crime ang kaso.

“Wala silang konsensiya kung pumatay ng tao. Parang wala sila nanay,” hinaing ni Jhoanna. (Orly L. Barcala)