Ang maling paggamit ng antibiotic ay maaaring magresulta sa ‘antibiotic resistance,’ na malaking banta sa modernong medisina at posibleng magresulta sa pagbalik sa panahon na wala pang antibiotic.
Ito ang paalala ng World Health Organization (WHO) kahapon sa publiko kaugnay sa pag-obserba ng World Antibiotic Awareness Week sa Nobyembre 14. Ang tema ngayong taon ay “Antibiotics: Handle with Care.”
“Loss of antibiotics due to antibiotic resistance can lead to increased deaths in the future,” diin ng WHO.
Payo ng WHO, kumpletuhin ang pag-inom ng iniresetang antibiotics, huwag mag-share at gumamit ng tirang antibiotics o bumili ng antibiotics ng walang reseta ng doktor. (Mary Ann Santiago)