PUTRAJAYA, Malaysia – Binigyan ng go-signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puwersang Malaysian upang tugisin ang mga pirata at sinumang kriminal sa karagatan ng Pilipinas sa layuning tuluyan nang masugpo ang kidnapping at iba pang banta sa seguridad sa hangganan ng dalawang bansa.

Partikular na ikinababahala ng Pilipinas at Malaysia ang mga pagdukot ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa mga lokal na ulat dito, sinabi ni Malaysian Prime Minister Najib Razak: “The hot pursuit is a new development. This has been agreed by Duterte and Jokowi (Indonesian President Joko Widodo), and now with us.

Binanggit din ni Najib ang “signing of an Exchange of Notes between our (Malaysia and Philippines) Governments on establishing a Framework for Cooperation in tackling the issue of kidnap for ransom and other security issues along our sea borders” sa bilateral meeting nila ni Duterte sa Perdana Square nitong Huwebes. (Elena L. Aben)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists