inigo-pascual-1-copy

PAANO nga ba patutunayan ng anak ng isa sa pinakasikat na actor-singers sa bansa ang kanyang sarili at lugar sa industriya?

Para kay Iñigo Pascual, hindi sapat ang good looks at sikat na pangalang namana niya sa kanyang amang si Piolo Pascual. 

Ngayon, handa na siyang ipakita ang kanyang ibubuga sa pamamagitan ng kanyang kauna-unahang self-titled pop-dance album na nagpapakita ng kanyang talento at kakayahan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ayon kay Iñigo, katuparan ito ng matagal na niyang pangarap dahil first love niya ang musika. Bata pa lang, sa edad na pito, natuto na siyang tumugtog ng piano nang walang nagtuturo. Dose anyos naman siya nang matutong tumugtog ng gitara at ukulele. 

Noon din siya unang sumulat ng kanta, ang Fallen, na kabilang ngayon sa kanyang debut album. Nang tumuntong ng high school, ginampanan naman niya ang papel na Link Larkin sa musical na Hairspray.

Bagamat nagsimula na siyang lumabas sa mga teleserye at pelikula, naipapakita pa rin ni Iñigo ang kanyang talento sa musika. Napasama siya sa OPM Fresh album ng Star Music, sa awiting Lullabye Bye kasama ang iba pang up-and-coming artists. Noong 2015, sinulat niya ang awiting Dito para sa episode ng Wansapanataym na pinagbidahan niya.

Ngayong natupad na niya ang kanyang pinapangarap na solo album, mas magiging mahirap ang tatahaking landas ni Iñigo.

Gaya ng musical influences niyang sina Sam Concepcion, Chris Brown, Justin Bieber, at Nick Jonas, handa rin si Iñigo na makilala bilang total performer, magkaroon ng hits, at magpauso ng dance craze sa pamamagitan ng kanyang unang single na Dahil Sa ’Yo. 

Bukod sa Dahil Sa ‘Yo, laman din ng Inigo Pascual ang Fallen at Dito kasama ang cover niya sa Binibini, ang original songs na That Hero na isinulat ni Jonathan Manalo, Your Love na isinulat ng Singapore-based songwriters na sina Shorya Sharma at Samuel Simpson at mula sa Academy of Rock, Ikaw at Ako na isinulat ni Gabriel Tagadtad at Live Life Brighter na isinulat ni Miles Blue Sy (sumulat ng Hatid Sundo ng Gimme 5), at bonus tracks na Lullabye Bye at Dito (acoustic).

Ang album ay produced ni Kidwolf, na nakatrabaho na rin ng Star Music artists na sina Marion Aunor, Gimme 5, at Matteo Guidicelli. Mapapakinggan na ito sa Spotify at mabibili na rin nationwide soon sa halagang P199. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.