ZAMBOANGA CITY – Nasa 80 bilanggo sa Zamboanga City Reformatory Center (ZCRC) sa lungsod na ito, karamihan ay nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga, ang pinalaya ng lokal na hukuman dito makaraang hindi sumapat ang mga ebidensiya laban sa kanila.
Sinabi ni ZCRC Jail Warden Chief Insp. Erwin Diaz na karamihan sa mga pinalaya ay nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa droga.
Aniya, 71 bilanggo ang pinalaya ng korte noong nakaraang buwan at 18 naman ngayong Nobyembre.
Ayon kay Diaz, dahil sa pagpapalaya sa nasabing bilang ng mga bilanggo ay nabawasan ang pagsisiksikan sa ZCRC.
Inamin niyang labis ang pagsisiksikan sa ZCRC dahil na rin sa Oplan Double Barrel ng pulisya, na marami ang naaresto at ipiniit sa pagkakasangkot sa droga. (Nonoy E. Lacson)