Matapos ang matinding 10th Leg na labanan sa labas ng Metro Manila noong nakaraang Huwebes sa Biñan Coliseum sa lalawigan ng Laguna, ang mga kasapi ng United Fighting Cock Championships ay muling maghaharap ngayon araw sa paglalatag ng 11th Leg One-Day 6-Stag Derby ng 17-yugto na 2016 UFCC Stagwars sa Ynares Sports Arena.

Tampok ang kapana-panabik na 120 sultada.

Nagsalo sa kampeonato sa umatikabong paluan noon ika-10 ng Nobyembre sina RJ Mea (DMM RJM Tiaong), Osang dela Cruz & Charlie Cruz (Gold Quest AA Candice LDI) at Eric dela Rosa (New Polomolok Sports Complex)

Ang sumegunda ay si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) na nagtala ng iskor na 4.5, kasunod ang malakas na pagtatapos ng mga naka-tig-aapat na puntos na sina Gov. Ito Ynares (Binangonan), Gerry Teves (Gerry Boy RTJ Dec. 22 220K7-Cock Binan), Ka Luding Boongaling/Rey/Topher (LB Candelaria), Gary Tesorero/Magno Lim (ML Mighty Kid) at Engr. Celso Salazar (Prince William).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magbabalik ang UFCC sa Ynares Sports Arena para sa 12th Leg derby sa ika-15 ng buwan kasalukuyan.

Ang La Loma Cockpit - pinakamatandang sabungan sa Pilipinas na tinayo pa noong 1901 –ang siyang pagdarausan ng ika-13 yugto sa Nob. 19 at pagkatapos ay muling babalik sa Ynares sa Nob. 24 at 26.

Gaganapin sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nob. 29 ang 16th Leg, samantalang magtatapos ang 2016 UFCC Stagwars sa pamamagitan ng isang 7-stag derby sa Ynares Sports Center sa Disyembre 3.