NAGLILIBOT kami sa isang sosyal na hotel cum mall sa may tabing-dagat nitong nakaraang weekend kasama ang ilang katoto at habang paakyat kami ng escalator ay nakasalubong namin ang youngstar na matagal na palang nakatingin sa grupo namin.
Palibhasa hindi namin kilala o hindi kami pamilyar sa youngstar, hindi namin siya napansin kahit na nagtama ang mga mata namin kaya sinabihan kami ng kasama namin ng, “Hindi mo pinansin, nakatingin sa ‘yo.”
Balik-tanong namin, ‘Sino ba ‘yun?’
“Si _____ (pangalan ng youngstar) ‘yun, hindi mo knows?” hirit naman ng isang katoto. “Ang tagal nga nakatingin, parang gustong magpapansin.”
Sabi namin, ‘Eh, kilala n’yo pala, bakit hindi kayo ang pumansin? Malay ko ba na siya pala si _____ (pangalan ng youngstar). Hindi ko naman siya napapanood at ano ba shows niya? Parang wala naman yata.’
“Sakto lang naman kasi ang kasikatan niya, hindi siya ganu’n kasikat, hindi rin naman siya priority sa network niya,” kuwento pa ng mga katoto.
Dagdag pa nila, “Na-blind item siya noon na may boyfriend na mas may edad sa kanya.”
Susme, sa rami na ng clue na ibinigay sa amin, hindi talaga nagmamarka sa amin ang youngstar. Dahil hindi rin naman siya pinapansin ng iba pang mallers, iisa lang ang ibig sabihin, wala siyang dating. Tapos! (Reggee Bonoan)