Nobyembre 11, 1978 nang ilunsad ng isang stuntman ang The General Lee (na kung tawagin ay The General), isang 1969 Dodge Charger, sa Georgia set ng patok na television series na “The Dukes of Hazzard,” na maging iconic automobile ng show.
Isang neon-orange car na may pinturang “01” sa mga pintuan, may Confederate flag sa bubong nito, at busina na tumutugtog ng unang 12 nota ng awiting “Dixie,” kilala ang General Lee sa signature horn at sa stunts, partikular na ang long jump.
Sa kasagsagan ng pagpapalabas ng nasabing show mula 1979 hanggang 1985, nakatanggap ang General Lee ng 35,000 fan letter kada isang buwan.
Ang pangalan ng sasakyan ay halaw sa American Civil War general na si Robert E. Lee.