Pinangunahan ni Philippiine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram ang technical group ng ahensiya para suriin ang paghahanda ng host Tagum City, Davao Del Norte sa gaganaping Batang Pinoy Finals sa Nobyembre 27.

May kabuuang 11,332 atleta ang inaasahang makikiisa sa torneo na naglalayong makahanap ng mga bagong talent para sa National Team.

Nakatakdang makipagpulong si Kiram kina Tagum City Mayor Allan Rellon at Davao Del Norte Governor Anthony Del Rosario para masiguro ang tagumpay ng torneo.

‘Remember, no less than President Duterte are invited as guest speaker sa opening day,” sambit ni Kiram.

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Paglalabanan sa Tagum City ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball 3-on-3, boxing, chess, cycling, dancesports, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, rugby football, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting at wrestling.

Mahigit sa 600 events ang paglalabanan sa torneo na nakalaan para sa mga batang atleta edad 17-anyos pababa.

Ito unang national multi-sports tournament sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Angie Oredo)