Magpupulong sina United States President Barack Obama at President-elect Donald Trump sa White House sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) para pag-usapan ang transition of power.

Sisikapin nilang maging maayos ang lahat sa kanilang pagtatagpo sa Oval Office dakong 11:00 ng umaga Pribado ring magpupulong sina First lady Michelle Obama at ang asawa ni Trump na si Melania, sa White House residence.

Sinab ni Obama noong Miyerkules na sa kabila ng malaking pagkakaiba nila ng New York real estate magnate, susundan niya ang halimbawa ni dating Republican President George W. Bush noong 2008 at titiyakin ang matiwasay na pagsasalin ng kapangyarihan kay Trump.

“Eight years ago, President Bush and I had some pretty significant differences, but President Bush’s team could not have been more professional or more gracious in making sure we had a smooth transition,” sabi ni Obama.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

FIRST TWEET

“Such a beautiful and important evening! The forgotten man and woman will never be forgotten again. We will all come together as never before,” ito tweet ni Trump sa kanyang 13.5 million followers dakong 6:36 ng umaga ng Miyerkules, ilang oras matapos magbigay ng victory speech sa isang hotel sa Manhattan.

Nakalagay sa kanyang Twitter bio ang “President-elect of the United States.”

PAINFUL LOSS

Masakit man ang kanyang pagkatalo, nagpahayag ng suporta si Hillary Clinton kay Trump, na uupong pangulo sa Enero 20.

“Donald Trump is going to be our president. We owe him an open mind and the chance to lead,” sabi ni Clinton, sa kanyang concession speech sa New York, kasama ang kanyang asawa na si dating President Bill Clinton, at anak na si Chelsea.

“This is painful, and it will be for a long time. But I want you to remember this. Our campaign was never about one person. It was about building a country that we love.”

Pinasalamatan din ni Clinton ang lahat ng kababaihan na ikinampanya siya upang maging unang babaeng pangulo. “I know we have still not shattered that highest, hardest glass ceiling, but hopefully someday, someone will—and hopefully sooner than we might think now,” ani Clinton. (Reuters, AFP, AP)