KAPWA hiwalay sa asawa ang magpinsang Sunshine Cruz at Sheryl Cruz. Halos pareho ang kapalaran ng dalawa, matapos
ipagpalit ang magandang showbiz career married life ay nauwi sa hiwalayan ang pagsasama sa naging asawang Cesar Montano at Norman Bustos, respectively
Ngayong may Macky Mathay na sa buhay ni Sunshine, hindi rin naman nagpapahuli si Sheryl. Ayon sa aktres, okey at masaya rin ang love life niya with a private individual.
“Well, kung meron na ngayon ang pinsan kong si Sunshine, eh, okey naman ang love life ko with a very private professional. Happy pa rin naman ako for Sunshine and Macky. I wish them well,” sey ni Sheryl nang makausap namin.
So, meron na ring tatawaging tito ang anak niyang si Ashley?
“Ha-ha-ha, you know I’d like to keep my privacy. Basta happy ako,” maiksing tugon ni Sheryl.
Nalaman din namin kay Sheryl na magkakasama silang muli sa isang TV project sa GMA Network ng mga kaibigan niya sa grupong Triplets ng That’s Entertainment na sina Manilyn Reynes at Tina Paner.
Ang alam daw niya ay magkakaroon ng story conference sa mga susunod na araw ng seryeng “Love Amour” ng GMA 7.
“Ang alam ko, kami nina Manilyn Reynes, Tina Paner at mga former love teams namin ang makakasama namin. Siyempre lahat kami excited,” sey ni Sheryl.
Tipong pinoy version ng Lovers in Paris ang tema ng gagawin nilang Love Amour.
“As per my role, eh, isang protective mother to our cast mates na nag-aaral sa Paris. Hindi ko pa alam ang iba pang detalye,” banggit pa ni Sheryl. (Jimi Escala)