NAKIPAG-MEETING na sina Dennis Trillo at manager niyang si Popoy Caritativo sa creative team ng GMA-7 para sa next TV project niya. Ire-remake ang Mulawin na sa original ay kasama rin si Dennis na gumanap sa role ni Gabriel, ang kababata ni Alwina (ginampanan ni Angel Locsin).
Sa remake, ang role rin ni Gabriel ang gagampanan ni Dennis.
Sa picture na nai-post na nakita namin, kasama sa meeting si RJ Nuevas at si Direk Don Michael Perez na siya yatang magdidirehe ng bagong Mulawin.
Sa original version, si Direk Don ang screenwriter at isa sa tatlong directors.
Nang umeere ang Encantadia, marami ang nag-request na Kapuso fans sa GMA-7 na i-remake ang Mulawin na matutupad na nga. Dito nagsimula ang love team nina Angel at Richard Gutierrez sa role ni Aguiluz.
Ang tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at Aljur Abrenica at Janine Gutierrez ang nire-request ng Kapuso viewers na maging Aguiluz at Alwina sa remake na mapapanood na sa 2017. (NITZ MIRALLES)