Mas maraming oportunidad ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa buwang ito dahil na rin sa patuloy na pagsasagawa ng job fair ng Department of Labor and Employment (DoLE), sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Offices (PESOs).

Sa ulat na ipinarating kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroong 23 job fairs ang naka-iskedyul sa Nobyembre sa Regions 3, 6, 7, 9, 10, 11, 12, CAR at Caraga.

Ayon sa ulat, inaasahan pa na ang bilang ng mga job fair sa Nobyembre ay lalo pang madadagdagan, pagkatapos na maisapinal ng iba pang tanggapan ng DoLE sa mga rehiyon ang kanilang sariling mga iskedyul. (Mina Navarro)

Blind Item

Aktres nag-flex na buntis pero fake pala; para lang makaganti sa isang aktor?