Naniniwala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makakamit nila ang target na madurog ang bandidong Abu Sayyaf Group(ASG) bago magretiro sa serbisyo si AFP Chief of Staff, General Ricardo Visaya sa Disyembre 8, 2016.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief, Col. Edgard Arevalo na ang itinakdang deadline ni Gen. Visaya ay ibinigay nila sa kanilang sarili.
Tiwala umano si Visaya na bago siya umalis sa serbisyo ay tuluyan nang matatapos at masosolusyunan ang problema sa mga bandido.
Ipinagmamalaki naman ng AFP na simula noong ng Hulyo hanggang Oktubre 30, nasa 70 mga bandido ang nasawi sa operasyon sa Basilan at Sulu. Idineploy ni Visaya ang 8,000 sundalo para labanan ang ASG. (Fer Taboy)