LOBO, Batangas - Patay ang isang lolo matapos siyang mabundol ng sasakyan habang nagbibisikleta sa Lobo, Batangas.
Kinilala ang biktimang si Silveno Ramirez, 70, taga-Barangay Sawang sa naturang bayan.
Ayon sa report ni PO3 Limwel Lualhati, dakong 5:50 ng hapon nitong Miyerkules at nagbibisikleta ang biktima sa Bgy. Olo-Olo nang mabundol siya ng hindi pa batid na sasakyan mula sa likuran. (Lyka Manalo)