PUMANAW na sa edad 82 si Leonard Cohen, ang baritone-voiced Canadian singer-songwriter na kilala sa mga awiting Hallelujah, Suzzanne, at Bird on a Wire
Kinumpirma ito ng label ni Cohen sa isang pahayag sa kanyang Facebook page noong Huwebes at gaganapin ang kanyang burol sa Los Angeles. Wala pang ibang detalye na ibinigay tungkol sa kanyang pagpanaw.
Napagsama ni Cohen, na kilala rin bilang poet, novelist at aspiring Zen monk, ang folk music na may sexual edge kaya siya nagkaroon ng maraming fans sa buong mundo at kasama rito ang mga musikero na sina Bob Dylan at R.E.M.
Nanatili ang kanyang kasikatang noong 80s. Nag-tour siya noong unang bahagi ng taon at naglabas ng album nitong nakaraang buwan.
Naging cult hit ang kanyang Hallelujah nang i-cover ito ng musikero na si Jeff Buckley noong 1994, mula sa areglo ni John Cale.
Nakilala si Cohen, na inamin na pumasok sa industriya ng musika dahil hindi siya kayang buhayin ng pagiging poet, noong folk music revival noong 1960s. Nang mga taong iyon, naglakbay siya sa folk circuit kasama sina Bob Dylan, Joni Mitchell, Joan Baez, at iba pa.
Ipinanganak noong Setyembre 21, 1934, bumuo siya ng country music group na Buckskin Boys noong kanyang kabataan.
Nag-aaral siya sa McGill University nang nailathala ang kanyang poety book na Let Us Compare Mythologies noong 1956.
Nasundan ito ng The Spice Box of Earth noong 1961. Lumabas ang kanyang unang nobela The Favourite Game noong 1963. (AP)