Hanggang ngayon, nanatili pa rin sa puwesto ang hepe ng Station Anti-Illegal Drugs- Special Operation Task Group (SAID-SOTG), gayung nasibak na ang dalawa nitong pulis matapos umanong humingi ng “lagay” sa live-in partner ng nahuli nilang drug pusher kamakailan.

Maging ang ilang pulis ay nagtataka kung bakit nanatiling hepe ng SAID-ATOG si Police Sr. Insp. Cecilio Tomas Jr., kahit sinibak na sa puwesto at kinasuhan ang dalawa niyang tauhan na sina PO2 Christian Geronimo at PO2 Kristoffer San Juan, nang hingan umano nila ng P100,000 si Laila Katamora para makalaya ang live-in partner niyang si Linson Amoguis, na naaresto sa buy-bust operation nitong Oktubre.

Ngunit ipinagtataka ng mga pulis sa Caloocan Police Station kung bakit hindi nasibak si Sr. Inspector Tomas kahit na malinaw na command responsibility niya ang dalawang tauhan at ginamit pa ang kanyang opisina sa krimen.

(Orly L. Barcala)

De Lima, pinasalamatan si PNoy sa ‘tunay na liderato, dalisay na paglilingkod’