gladys-copy-copy

KAHIT meron siyang dapat ikomento sa inilabas na order ng Supreme Court hinggil sa pagpapalibing sa dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos ay ganoon na lang ang pakiusap ni Gladys na huwag na raw siyang hingan ng anumang pahayag.

Para sa aktres, mas makakabuti na wala nang marinig na anumang komento sa kanya.

“No comment ako d’yan. ‘Sensya na talaga, Kuya Jimi kahit anong komento ko, eh, meron at meron kasing masasabi ang mga tao. Kaya huwag na lang akong akong makigulo,” banggit ni Gladys.

BALITAnaw

#BALITAnaw: 'Kayo ang boss ko!' PNoy, ang ika-15 Pangulo ng Pilipinas

Para sa isa sa mga aktibong board member ng MTRCB, kaysa makisawsaw sa naturang isyu ay mas makakagaan pa sa kanya kung pagtutuunan niya ng pansin ang dalawang buwang dinadala niya ngayon sa kanyang sinapupunan.

May tatlong anak na ngayon sina Gladys at ang asawang si Christopher Roxas. Ang panganay ay si Christoph na sampung taong gulang, sumunod si Aquisha na walong taon at ang bunso na si Grant na anim na taon naman.

“Pang-apat na namin ito, at isang unexpected blessing na nga ito, eh, Pero siyempre, happy kaming lahat at least before reaching fourty years old, eh, maka apat pa kami ng asawa ko,” napatawang banggit ng la primera kontrabida.

Kung si Gladys ang masusunod ay gusto niyang babae ang maging bunso nila pero si Christopher na mas gusto namang lalaki uli.

“I hope babae, pero lalaki ang gusto niya, okay din sa kanya para daw nag-iisa ‘yung girl namin, but kung girl naman, of course, happy kasi two boys and two girls,” napangiting banggit ng premyadong aktres.

Maliit pa ang tiyan ni Gladys kaya tuloy pa rin siya sa mga trabaho niya.

“Hangga’t kaya ko, eh, okey lang. Mabait naman ang role ko dito sa Oh My Mama, kaya hindi masyadong magbibigay ng effort. Kumbaga, hindi ko kailangang magalit, hindi ko kailangang manakit, it will take force, siyempre.

“May ekseana man ako na iyakan, eh, hindi masyadong mabigat, and one more thing, eh, marami ang nag-aalaga sa akin sa set,” kuwento pa ni Chic-Chic, palayaw niya. (Jimi Escala)