BEIJING (AP) – Isang retiradong senior police chief sa hilaga ng China ang hinatulan ng kamatayan sa pagpatay sa kanyang kabit.
Sinabi ng Taiyuan city Intermediate People’s Court na ang 64-anyos na si Zhao Liping ay hinatulan nitong Biyernes.
Isinakdal din siya sa kasong bribery at possessing firearms at explosives.
Pinamunuan ni Zhao ang pulisya sa Inner Mongolia region mula 2005 hanggang 2012.
Ayon sa korte, binaril at napatay ni Zhao ang kanyang 28-anyos na kabit, at sinunog ang katawan nito. Ginamit din niya ang kanyang posisyon upang makakuha ng mga benepisyo at illegal na tumanggap ng 24 million yuan ($3.5 million).