“Ayaw ko makipag-away kasi nandiyan na si Trump.” Ito ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos mahalal na Pangulo ng United States (US) si Donald Trump.

Noong nakaraang eleksyon, inihalintulad si Duterte kay Trump dahil sa walang habas na pananalita ng maanghang.

Samantala paulit-ulit na binanatan ni Duterte si US leader Barack Obama, na humantong sa serye ng usapin hinggil sa pagputol ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kahapon, habang nasa Malaysia kausap ang Filipino community, sinabi ng Pangulo na hindi na siya makikipag-away sa US dahil naroon na si Trump.

National

PH Bar Assoc., nag-alok pangunahan public debate ni Marcoleta vs Carpio!

Sa kanyang remarks, inamin ng Pangulo ang pagkakapareho nila ni Trump. “Pareho tayo nagmumura. Konting rason lang, mura kaagad, pare-pareho kami,” ayon sa Pangulo.

“I would like to congratulate President Trump for his victory and I wish he will govern the way he promised the American people,” pahayag naman ng Pangulo sa reporters. “I never wanted any quarrel with anybody so I wish President Trump that he will honor our obligations and treaties with the US,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung mababago ba ang relasyon ng Pilipinas sa US, sinabi ng Pangulo na, “I really do not know kasi it would depend on the US.” (ELENA L. ABEN)