luis-manzano_pampalit-copy

HINDI na naman napigilanan ni Luis Manzano na mapikon sa bashers. Kaya ayaw man daw sana niyang gawin, pumatol na naman siya sa mga ito.

Sa kuwento ni Luis, may kinalaman ito sa pag-alipusta ng ilang bashers sa pagsasalita ng English ng kasintahan niyang si Jessy Mendiola sa nakaraang Star Magic Ball, nang maging escort siya nito.

Dahil sa binanggit ni Jessy na, “What I am to say to that” na reaksiyon nito sa sinabi ni Luis sa isang interview na, ‘The best part of the evening is we have a lot of beautiful stars, but I’m claiming that I have the most beautiful date this evening”, nagkasunud-sunod na naman ang mga negatibong komento at pagpuna sa maling grammar ng dalaga.

Human-Interest

Himpapawid vision: Rudy Baldwin, nahulaan pagbagsak ng Air India plane?

Kaya ipinagtanggol ni Luis ang si Jessy. Sey pa ng binata, tao lang naman siya at normal na masaktan para sa isang taong mahalaga sa kanya at mahal niya.

“Wala naman ako sa pedestal or ‘di naman ako mas mataas sa normal na tao. At kilala n’yo naman ako, ganito talaga ako. Hindi ako pa-victim or pa-class, barubal akong tao,” diretsong saad ng panganay ng Star for All Seasons.

Dagdag pa rin ni Luis, rin ng lahat ay nakakapagmura rin siya.

“Palamura rin ako. Kung p’wede nga lang, siguro sa mga shows ko sa TV, grabe mura ko araw-araw, eh, ‘yun ako. Hindi mabait-baitan sa TV pero sa totoong buhay, eh, hindi naman.

“Sinasabi ko na loko rin naman at gago talaga ako, ayokong magmalinis. Kilala n’yo rin naman ako kung anong klaseng tao ako,” medyo gigil na banggit ng magaling na TV host.

Samantala, ayaw magbigay ng komento ni Luis hinggil pa-blind item na namang binanggit ni Keanna Reeves na obvious namang si Luis ang tinutukoy. (JIMI ESCALA)