gabbi-at-karylle1-copy-copy

SA isang lifestyle event nagkita ang bagong Alena na si Gabbi Garcia at ang dating gumanap bilang Sang’gre na si Karylle.

Precious moment ito para sa Encantadiks dahil sa wakas ay nagkaroon na ng personal encounter ang dalawa.

Matatandaang hindi nagkita sina Gabbi at Karylle sa ginanap na get-together ng cast ng Encantadia kamakailan, kaya nagbunyi ang netizens nang mai-post na nagkita at makapagpa-picture na sila na magkasama.

Human-Interest

Pabalik na sila! Bakit 'main character' mga taga-NCR na pabalik galing sa probinsya?

Itinuturing ni Gabbi na special ang pagkikita nila ni Karylle at aniya ay maagang regalo ito sa kanyang nalalapit na 18th birthday.