CABANATUAN CITY - Dead-on-the-spot ang isang 21-anyos na dalaga makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Purok 1, Barangay Imelda sa lungsod na ito, hapon nitong Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang nasawi na si Rica Magtalas y Pascual, nasa drug watchlist, at residente ng Purok 2, Bgy. Imelda, na nagtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Erwin Gonzales, dakong 2:00 ng hapon at nag-iisang naglalakad si Magtalas nang biglang sumulpot ang mga suspek at malapitan siyang pinagbabaril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Rescue ops sa MBCA Amejara, itinigil na; 9 na katawan, hindi na nahanap