Hindi bumitaw ang Bureau of Customs sa kanilang pangarap na finals mtapos gapiin ang Bali Pure sa do-or-die Game 3, 25-21, 25-16, 24-26, 8-25, 15-8, nitong Miyerkules sa Shakey’s V-League Reinforced Conference sa Philsports Arena.

Kumana ng krusyal na tira si middle blocker Lillet Mabbayad upang ihatid sa kampeonato ang Transformers.

Makakaharap nila sa championship round ang naghihintay na Pocari Sweat.

“Alam naman natin ang Bali Pure hindi bibigay yan, and gumanda talaga laro nila,” ayon kay Transformers head coach Sherwin Meneses makaraang magbunga ang kanyang pagsugal na ipahinga ang mga ace hitters na sina Alyssa Valdez at import Kanjana Kuthaisong para sa decider frame matapos nilang maiwanan sa iskor na 21-7.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa bungad ng fifth set, kaagad rumatsada ang Customs ,7-2 sa pangunguna nina Kuthaisong at Valdez na nagtapos na topscorer sa laban sa itinala nilang 20 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nagbigay din ng kaukulang ambag sa panalo ang mga beterang sina Rose Vargas at Mabbayad na tumapos na may 13 at 10 puntos.

Gaya naman ng inaasahan, nanguna si Katherine Morrell para sa Bali Pure sa itinala nitong 24 puntos.

Magsisimula ang best-of-3 finals series ng Transformers at Lady Warriors bukas-Sabado gayundin ang sariling best of 3 series para sa third place sa pagitan ng Balipure at University of Santo Tomas. (Marivic Awitan)